Binigyang-linaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi sila ang source ng mga kumakalat na CCTV video at affidavit na may kaugnayan sa gulo sa isang bar sa Davao City kung saan sangkot si Representative Paolo Duterte.

Ayon sa opisyal na pahayag ng PNP, wala sa kanilang kustodiya ang CCTV footage at hindi rin sila ang naglabas ng affidavit ng complainant na kalat ngayon sa social media.

Wala rin anila silang kinalaman sa pagkalat nito dahil nakasampa na ang kaso sa Department of Justice (DOJ).

Kasunod nito, tiniyak ng Pambansang Pulisya na mananatili silang patas at tapat sa kanilang tungkulin, kahit sinong tao pa ang sangkot.