photo credit: mayor Harry Florida

TUGUEGARAO CITY-Inaalam na ng Local Government Unit (LGU)-Allacapan katuwang ang kapulisan kung sino ang isang mataas na opisyal ng PNP na mula sa probinsya ng Apayao na siyang nag-uutos umano ng pagpuputol ng kahoy sa lugar.

Ayon kay Mayor Harry Florida ng Allacapan, ang naturang opisyal umano ang contractor ng nahuling suspek na Rogie Agbisit ng Brgy Binubongan na nagsasagawa ng pamumutol ng kahoy sa kanyang nasasakupang bayan.

Una rito, sinabi ni Florida na sa tulong ng kanyang programa na “itext kay mayor” isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon ukol sa pamumutol ng kahoy ng suspek.

Nang respondehan ang naturang impormasyon ay tumambad sa kanila ang 1,122 board feet ng iba’t-ibang klase ng kahoy na walang kaukulang dokumento.

Bukod dito, nahuli rin si Boyet Collado, residente sa barangay Maluyo ng kaparehong aktibidad kung saan nakuha sakanya ang 570 board feet ng iba’t-ibang klase rin ng kahoy.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, pursigido ang alkalde na mapanagot ang mga nasa likod ng pamumutol ng kahoy sa kanyang lugar.

Tinig ni Mayor Harry Florida

Samantala, sinabi ni Florida na malaking tulong ang kanyang programa na “itext kay mayor” kung saan may P5,000 na pabuya sa mga magbibigay ng impormasyon para mahuli ang mga nagsasagawa ng aktibidad.