Iniutos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Marbil sa kapulisan na palakasin ang kampanya laban sa private armed groups at loose firearms kaugnay sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.
Sinabi ni Marbil na gagawin nila ang lahat para mabuwag ang kakayahan ng mga nasabing grupo na maghasik ng karahasan.
Ayon kay Marbil, may naitala na anim na private armed groups noiong 2023 at tatlo naman ngayong 2024, matapos ang pagkakabuwag ng Kunti Melo group sa Bukidnon at ang Bal at Mayo groups sa Nueva Ecija.
Ipinagmalaki din ng PNP na napababa nila ang bilang ng potential private armies mula 28 sa lima matapos ang mga ginawang pag-aresto at pagsuko.