Tuguegarao City- Balik trabaho na ngayong araw, Setyembre 17 ang mga pulis ng PNP Tuguegarap na sumailalim sa home quarantine.

Sa panayam kay PCOL Ariel Quilang, direktor ng PNP Cagayan, hanggang nagyong araw na lang din ang pananatili ng mga augmented PNP Personnel na galing sa iba’t ibang stasyon ng PNP sa probinsya.

Ayon pa kay Quilang ay kailangan ding sumailalim sa mandatory home quarantine ang mga pulis na mapupull out sa kanilang augmentation bilang pagtiyak na ligtas sila sa virus bago bumalik sa kanilang mga unit.

Sinabi pa niya na mananatili muna sa PNP Tuguegarao PLCOL Pepito Mendoza Jr. bilang OIC COP at ang deputy nito na si PMAJ. Danilo Abalos habang hinihintay na matapos ang quarantine period ni PLTCOL Jonalyn Tecbobolan at ang kanyang deputy COP na si PMAJ Florentino Marallag.

Tiniyak ni Quilang ang palagiang disinfection sa tanggapan ng PNP Tuguegarao upang matiyak na maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga personnel.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay wala na aniyang mga PNP member ang nakaadmit sa CVMC habang ang pitong detainee na nakaisolate ay pawang asymptomatic naman ang kondisyon.