Pinarangalan ng DEPED Region 2 ang tatlong ahensya bilang para sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa pagpapalakas ng batayang edukasyon at pagsusulong ng nation-building sa katatapos na 3rd BEN ace Gawad Awards ngayong araw sa Tuguegarao City.
Kinilala ang PNP bilang first runner up dahil sa kanilang ibat ibang programa at mahigit limang libong lectures sa ibat ibang paaralan sa rehiyon dos at ang kanilang programang Pulis sa Paaralan at iba pa na naglalayong magbigay ng seguridad, kaalaman disiplina, at edukasyong pangkaligtasan sa mga bawat mag-aaral.
Bukod pa dito ay malaki rin ang naging ambag nila sa pagbuo ng ligtas na kapaligiran sa paaralan sa pamamagitan ng kampanya laban sa droga at kriminalidad.
Ginawaran bilang pangalawa naman ang Philippine Information Agency (PIA) para sa kanilang patuloy na suporta sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa mga programa ng DepEd, partikular sa pagpapalakas ng kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng edukasyon sa pagbuo ng mas matatag na bayan.
Pangatlo ang DENR sa kanilang mga environmental education campaigns at proyekto tulad ng “Tree Planting for Schools” na naglalayong itanim ang kamalayan ukol sa pangangalaga ng kalikasan sa mga mag-aaral.
Ayon kay Regional.Director Benjamin Paragas ng DEPED Region 2, ang mga awardee ay nagsilbing inspirasyon sa iba pang ahensya ng pamahalaan dahil sa kanilang dedikasyon at suporta sa mga inisyatiba ng DepEd upang makamit ang dekalidad na edukasyon para sa lahat.
Aniya ang 3rd Gawad Awards ay patunay ng mahalagang papel ng inter-agency collaboration sa pagtugon sa mga hamon ng edukasyon sa bansa.
Hinimok din ni Paragas ang iba pang ahensya na ipagpatuloy ang kanilang suporta at pakikilahok sa taunang BEN ACE GAWAD AWARD upang sama-samang makamit ang adhikain ng dekalidad na edukasyon at mas maunlad na bansa.
Ang tatlong finalist ay tumanggap ng P15,000,10,000 at 6000 habang ang ibang mga participants agencies ay tumanggap ng tig tatlong libong pisos.
Ang Agency Contribution for an Ennobling Basic Education Towards Nation-Building ng Department of Education (DepEd) ay taunang ginagawa upang kilalanin anf mga ahensya, institusyon, o organisasyong nagbigay ng mahalagang kontribusyon sa pagpapabuti ng edukasyun sa mga bawat mag aaral ng rehiyon dos.