Pinabulaanan ng pulisya ang alegasyon ng vote buying na umanoy nangyari sa Brgy Nattanzan, Iguig na kumalat sa social media.
Sa pagtugon ng Iguig Municipal Police Station, kasama ang COMELEC, nabatid na ang aktibidad ay isang lehitimong pulong para sa mga coordiantors at watchers ng isang kandidato.
Wala rin aniyang naobserbahang aktwal na bentahan ng boto sa nasabing pagtitipon.
Bilang pag-iingat at upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon, minabuti ng kapulisan at ng kinatawan ng COMELEC na paalisin ang mga tao sa lugar at panatilihin ang kaayusan.
Pinaalalahanan din ng pulisya ang publiko na maging maingat at responsable sa pagbabahagi ng impormasyon sa social media.
-- ADVERTISEMENT --