Pinabulaanan ng Philippine National Police na ang deployment ng dalawang PNP Special Action Force (SAF) battalions sa Davao ay may halong pulitika at ang layunin ay para tulungan ang International Criminal Court (ICC) investigators.
Itinagala ang dalawang SAF battalions noong May 24 matapos na 35 police officers sa Davao City ang sinibak mula sa kanilang puwesto sa nasabing araw.
Kabilang sa mga nasibak ay si Davao City police chief Col. Richard Bad-ang kasunod nang pagkamatay ng pitong drug suspects noong buwan ng Marso.
Matatandaan na nagdeklara si Davao Mayor Sebastian Duterte ng all-out campaign laban sa iligal na droga nang tanggapin niya si Bad-ang bilang chief of police.
Nilinaw ng PNP na ang deployment ng SAF personnel ay walang kinalaman sa pagkakasibak sa 35 na Davao police officers.
Sinabi ng PNP na matagal nang na-deploy ang SAF units sa Davao Region at ikinalat ang mga ito sa iba’t ibang probinsiya.
Idinagdag pa ng PNP na hindi lamang sa Davao City, itinalaga ang mga SAF units.