Malaking tulong para sa mga Ivatan na biktima ng kambal na pagyanig ang tinanggap ni Governor Marilou Cayco na cash assistance mula sa Police Regional Office II.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Cayco na mapupunta sa mga biktima sa bayan ng Itbayat ang P900,000 cash assistance na naipon ng PRO-02 sa isinagawang fun run nitong buwan ng Setyembre.

Kasabay ng pasasalamat, naging emosyonal si Cayco sa pagkukuwento sa harap ng PNP sa sinapit ng Itbayat sa lindol na ikinasawi ng siyam na katao at pagkasugat ng 68.

Nasa 268 ang nawalan ng tirahan, bukod pa sa mga nasirang imprastruktura.

Sa naturang halaga, sinabi ng gubernadora na malaking tulong ito para sa isinasagawang rehabilitasyon sa mga biktima lalo na sa kanilang mga nasirang bahay.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Cayco