sumvac

Tiniyak ng PNP Region II ang kahandaan sa pagbibigay seguridad lalo na sa mga commercial establishments, mga pampublikong lugar tulad ng bus terminals at mga pantalan kaugnay ng paggunita sa Semana Santa at summer vacation.

Ayon kay Pol.Lt. Col. Chivalier Iringan, tagapagsalita ng Police Regional Office II na nai-deploy na ang mga PNP personnel sa mga startegic areas alinsunod sa inilunsad na Ligtas Sumvac 2019 na layuning tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Kasabay nito, binalaan ni Iringan ang mga tulak ng droga at mga nagbabalak ng masama na patuloy ang kanilang hanay sa paghuli sa mga ito.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Iringan ang mga bakasyunista na pag-ingatan ang kanilang mga personal na gamit upang hindi mabiktima ng mga mananamantala ngayong holiday season.

Matatandaang, bago pa man sumapit ang Holy Week ay ipinatupad na ng PNP ang oplan ligtas sumvac o summer vacation upang bantayan ang mga lugar na dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito magiging abala ang PNP sa pagbibigay seguridad sa delivery ng mga vote counting machine sa rehiyon na gagamitin sa midterm elections.