TUGUEGARAO CITY-Aminado ang PNP-Rizal, Cagayan na malakas pa rin ang presensiya ng makakaliwang grupo sa tatlong barangay na kanilang nasasakupan.

Ayon kay Police Capt. Jovencio Calagui, hepe ng PNP-rizal, nasa liblib o malayo mula sa merkado ang tatlong brgy na kinabibilangan ng Bural, Masi at San juan ng Zinundungan Valley.

Aniya,bukod sa malayo ang mga nasabing barangay ay hindi pa maayos ang kalsada papunta sa mga ito kung kaya’t iilan lamang ang nakakarating sa mga nasabing Brgy.

Ngunit nilinaw ni Calagui na napapadaan lamang at hindi nagtatagal ang mga makakaliwang grupo sa lugar dahil regular ang pagpapatrolya ng mga kasundaluhan .

Bagamat may mga nakakalusot pa rin sa nasabing bayan na miembro ng makakaliwang grupo sa kabila nang pagkakadeklara ng Persona non-Grata, sinabi ni Calagui na wala nang sumusuporta sa mga ito kung kaya’t walang nagtatagal sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sa kabuuan, sinabi ni Calagui na maayos ay mapayapa ang kabuuang bayan ng Rizal dahil na rin sa suporta ng mga mamamayan.