Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang aarestuhin si senator Ronald “Bato” dela Rosa kung sakaling magpakita siya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Hulyo 6, 2026.

Sa isang pulong balitaan nitong Lunes, Hunyo 29, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Allen Rae Co na nakahanda ang pulisya na ipatupad ang mandato nito sakaling muling magpakita ang senador.

“We are mandated to effect the arrest of Senator Bato,” ani Co.

Dagdag pa ng PNP: “If he will be appearing therein, our police force will arrest him.”

Magugunitang si Dela Rosa ay kasalukuyang may kinahaharap na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kampanya kontra ilegal na droga sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nanatiling hindi nagpapakita sa publiko ang senador matapos lumabas ang warrant niya laban sa kanya.

Ayon sa PNP, handa ang kanilang hanay na ipatupad ang batas sa oras na matukoy ang kinaroroonan ni Dela Rosa o kung kusa siyang humarap sa anumang pagtitipon, kabilang ang impeachment trial ni VP Sara.