
Nananatiling naka-alerto ang Philippine National Police (PNP) habang milyon-milyong Filipino ang inaasahang babalik sa Metro Manila at iba pang lungsod matapos ang Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay PNP acting chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakatalaga ang mga pulis sa bus terminals, highways, at iba pang transport hubs upang tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero at mabilis na pagtugon sa anumang aberya sa kapayapaan at kaayusan.
Pinayuhan ng PNP ang mga motorista na siguraduhing maayos ang kondisyon ng sasakyan at maging handa sa pisikal at mental bago bumiyahe.
Idinagdag niya na sa mataas na dami ng sasakyan, tumataas ang posibilidad ng road rage, kaya mahalaga ang pasensya at maayos na pagpaplano ng biyahe.










