PNP Tuguegarao, tiniyak na nagagampanan ang kanilang tungkulin kahit na kulang sila sa mga tauhan

429

TUGUEGARAO CITY- Tiniyak ni Plt. Isabelita Gano ng PNP Tuguegarao na nagagampanan pa rin nila ang kanilang tungkulin kahit na kulang na kulang sila sa bilang para bantayan ang lahat ng populasyon ng lungsod.

Reaksion ito ni Gano sa datus na ang Tuguegarao ang may pinakamataas na crime rate sa buong lalawigan ng Cagayan.

Sinabi ni Gano na multi-tasking ang ginagawa ngayon ng mga pulis ng lungsod upang matiyak na napapanatili ang kaayusan at katahimikan.

Subalit, sinabi niya na kailangan din PNP ang tulong ng mga mamamayan sa kampanya laban sa mga krimen.

Sa kabila nito, sinabi ni Gano na bumaba naman ang crime rate sa lungsod ngayong taon sa naitalang 508 kumpara sa 701 noong 2018 mula Enero hanggang Hunyo.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na ang pinakamarami pang kaso ay physical injuries, theft, motornapping, robbery, rape, murder, carbapping, at homicide.

Marami rin aniya sa mga kasong ito ang naresolba.