Naghahanap pa umano ang Philippine National Police (PNP) ng kongkretong lead na kikilala sa tao na sinabi ni Vice President Sara Duterte na kanyang kinausap na papatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung siya ay papatayin.

Sinabi ni PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Police Brig. Gen Nicolas Torre, tinutulungan na nila ang National Bureau of Investigation sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng nasabing tao.

Tumanggging magbigay ng iba pang detalye si Torre dahil sa kasalukuyan pa ang imbestigasyon.

Gayonman, tiniyak niya na gumagawa ng mga hakbang ang NBI at PNP-CIDG sa imbestigasyon.

Ayon kay Torre, isusumite nila sa NBI ang anomang impormasyon na kanilang makakalap tungkol sa nasabing usapin.

-- ADVERTISEMENT --