Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na wala pa silang natatanggap na anomang “credible” threat sa buhay ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ito ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo nang matanong siya ng media kung may banta sa buhay ni Duterte.

Una rito, sinabi ni Duterte na may inutusan siya na papatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang asawa na si Liza at kay House Speaker Martin Romualdez kung siya ay papatayin.

Ayon kay Fajardo, wala pa silang natatanggap na kopya nang sinasabi ni Duterte na dokomentadong banta sa kanyang buhay.

Sa kabila nit5o, sinabi ni Fajardo na dahil siya ang bise presidente, tinatanggap nila ang nasabing banta na likas sa kanyang posisyon at handa silang magbigay ng security kay Duterte at iba pang opisyal ng pamahalaan kung hihilingin nila ito.

-- ADVERTISEMENT --