Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na walang napaulat na “major incidents” sa kabuuan ng mahigit 13 oras na prusisyon ng imahen ng Hesus Nazareno ngayong Biyernes Santo, Abril 3, na nagsimula alas-11:30 ng gabi ng Huwebes Santo, Abril 2.Balitang Pilipinas

Sa isang statement, sinabi ng pambansang pulisya na matagumpay na nasiguro ang kaligtasan at seguridad ng prusisyon na dinaluhan ng mahigit kalahating milyong deboto.

Ayon sa PNP, nasa kabuuang 3,169 PNP personnel ang idineploy para magbigay ng tuluy-tuloy na coverage.

Nagpaabot naman si PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ng pasasalamat sa lahat ng mga police officer at publiko para sa kanilang kooperasyon, na nagresulta sa mapayapang at “incident-free” na pag-obserba ng Biyernes Santo sa Quiapo.