Sinibak sa puwesto ang pinuno ng Philippine National Police Academy at walong iba pang opisyal kasunod ng imbestigasyon sa umano’y hazing incident, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.

Kinumpirma ni Remulla ang administrative relief kay PNPA Director Police Major General Andre Dizon at iba pang opisyal.

Ayon kay Philippine National Police Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., inaprubahan niya ang rekomendasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa malalimang imbestigasyon sa mga opisyal na posibleng managot sa kasong kriminal at administratibo.

Aabot sa mahigit 20 fourth-class cadets ang nasugatan matapos umanong malantad sa pinaghalong drain cleaner at muriatic acid noong Abril 3.

Arestado na ang tatlong suspek habang apat pa ang natukoy at patuloy na iniimbestigahan.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa paunang imbestigasyon, nagsimula ang insidente sa internal issue ng isang cadet na gustong mag-resign, na nauwi sa pagpaparusa sa mga mas batang kadete.