TUGUEGARAO CITY-Pinayuhan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga gustong manilbihan bilang caregiver sa bansang Israel na humabol sa pagsusumiti ng aplikasyon sa kanilang tanggapan.
Sinabi ni Romeo Jaramilla, Coordinator ng POEA Region 02, itinakda bukas, Disyembre 4,2020 ang deadline nang pagsusumiti ng aplikasyon.
Ayon kay Jaramilla na bisitahin lang ang website ng POEA para makita ang mga requirements.
Aniya, nangangailangan ng 500 caregivers ang Israel kung saan nitong nakalipas na linggo sana ang deadline ng pagsusumiti ng aplikasyon pero pinalawig pa ito hanggang bukas.
Bukod sa Israel, nangangailangan din ng caregivers ang bansang Japan.
Ayon kay jaramilla na sa December 15,2020 naman ang deadline ng pagsusumiti ng aplikasyon sa mga nagnanais maging caregiver sa naturang bansa.
Kaugnay nito, ipinayo ni Jaramilla na mag-apply online para magkaroon ng schedule sa personal na pagsumiti ng mga requirements sa kanilang opisina.
Pinag-iingat ni Jaramilla ang mga interesadong aplikante para hindi mabiktima ng mga illegal recruiter.
Aniya, government to government scheme ang nasabing recruitment kung kayat walang ibang ka-transaksiyon kung hindi ang tanggapan lang ng POEA.with reports from Bombo Marvin Cangcang