TUGUEGARAO CITY-Magsasagawa sa kauna-unahang pagkakataon ang Probinsiya ng Apayao ng Police Entrance at promotional examination sa October 27, 2019.
Ang National Police Commission (Napolcom) Cordillera Administrative Regional Office at ang Provincial Government ng Apayao ay pumirma ng isang Memorandum of Agreement para sa naturang pagsusulit.
Isasagawa ang examninasyon sa Apayao State College-Luna Campus kung saan nakatakdang isagawa ang registration sa Setyembre 16 hanggang 28 ngayong taon.
Bukas ito sa lahat ng mga nais mag-exam.
Bisitahin lamang ang website ng Napolcom-CAR para sa mga dokumentong dapat kompletuhin para sa registration.
-- ADVERTISEMENT --