Nahaharap sa kasong administratibo sa National Police Commission (Napolcom) ang isang police major na inakusahan na nanghalay umano sa isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Una rito, sinabi ng Napolcom noong August 7 na nagsagawa sila ng imbestigasyon sa nasabing kaso.
Naghain ng kaso ngayong araw ang Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS) ng Napolcom laban sa nasabing pulis sa Legal Affairs Service dahil sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.
Matatandaan na ang police major, na tactical officer ng Philippine National Police Academy (PNPA) matapos na nilasang umano niya ang isang lalaki kadete at nagkaroon umano ng sexual harrassment sa campus sa Silang, Cavite noong madaling araw ng July 31, 2025.
May inihain na reklamo na acts of lasciviousness laban sa PNPA officer sa Silang-Amadeo Municipal Circuit Trial Court noong August 7.