Lumikas ang mga pulis sa kanilang station sa northeastern Paris noong nakaraang Linggo matapos pamugaran ng mga pulgas.
Bigo ang mga pulis na makagawa ng paraan para makontrol ang pagkalat ng mga pulgas kaya marami sa kanila ang nangangati matapos makagat ng ilang beses.
May iba pa ngang nagdala ng pulgas sa kani-kanilang mga tahanan dahilan upang mahawa ang ilan sa anak ng mga pulis.
Kaya naman hinihiling ng mga pulis sa pamahalaan ang pagde-infest sa station bilang solusyon sa problema sa pulgas.