Nagbabala sa publiko ang Commission on Elections (Comelec) hinggil sa dalawang fake news na kumakalat ngayon online na nagsasabing may karapatan ang poll watchers na kunan ng litrato ang mismong Voter-Verified Paper Audit Trail (VVPAT) o voter receipt ng mga botante.

Nilinaw din na tanging­ ang National Citizen’s Move­ment for Free Elections (NAMFREL) ang pinapa­yagan na mag-scan ng VVPAT para sa piling clustered precincts matapos ang botohan, consolidation ng resulta sa presinto, prin­ting ng election returns at transmission sa iba’t-ibang servers.

Nagpaalala rin ang poll body na ang mga nagpapakalat ng false at alarming information ay isang election offense sa ilalim ng Section 26 ng Omnibus Election Code.