
Nakakuha ang Pilipinas ng dalawang daang milyong euro (€200) mula sa KfW Development Bank ng Germany upang palakasin ang blue economy, isang sektor na kritikal sa paglago ng maritime trade at kabuhayan sa coastal areas.
Ayon sa Department of Finance, inilaan ang pondo para sa Marine Ecosystems for Blue Economy Development Program, Subprogram 1 (MEBED1), na naglalayong pahusayin ang regulasyon, proteksyon, at sustainable management ng marine at coastal resources.
Inaasahan na sa pamamagitan ng programang ito, mas magiging maayos ang pamamahala ng fisheries, aquaculture, at coastal industries, na magbibigay-daan sa mas matatag na supply chains, mas mataas na kita para sa mga lokal na negosyante, at mas ligtas na maritime operations.
Ani Finance Secretary Frederick Go, makatutulong ang proyekto hindi lamang sa environmental protection kundi sa pagpapalakas ng ekonomiya at competitiveness ng bansa sa sektor ng maritime trade sa rehiyon.
Ang pondo mula sa KfW ay itinuturing na strategic investment para sa long-term economic growth, na sinusuportahan ang parehong sustainability at negosyo sa dagat.






