Umaabot sa mahigit P884 million ang budget na inilaan para sa livestock farmers na nagpaseguro ng alagang hayop sa rehiyon dos at car
kung saan halos 23000 livestock farmers ang nabigyan mula sa PCIC sa Region 2 at Eastern Cordillera para sa taong ito.
Ayon kay PCIC Region 2 Insurance Processor Jay-ar Bangayan, target ng nasabing ahensiya na makapag-insure ng kabuuang 43,351 livestock farmers sa taong ito na may katumbas na insurance cover na ₱2.1 bilyong piso.
Kabilang sa mga nabigyan na ng seguro sa kanilang mga alagang hayop ay mula sa mga bayan ng Amulung, Baggao, Alcala, Gattaran at Lal-lo ng Cagayan; Ilagan City, San Mariano at Cauayan City sa Isabela; Nagtipunan at Aglipay sa Quirino at sa bayan ng Rizal at Tabuk City ng Kalinga province.
Sakop din ng livestock insurance ang halos lahat ng mga inaalagang hayop ng mga magsasaka tulad ng kalabaw, baka, baboy, tupa, kambing, kabayo pati na ang mga manok at pato.
Ang naturang insurance sa mga alagang hayop ay naglalayong bigyan ng proteksiyon ang investment ng mga magsasaka laban sa mga sakit at mga insidente na magiging sanhi ng kanilang pagkalugi.