Hinihimok ni Pope Francis ang mga pari na panatilihin na maigsi ang kanilang homilies at ang kanyang rekomendasyon ay hanggang walong minuto lamang.

Sinabi ng Santo Papa na ito ay maiwasan na makatulog ang ilang dumadalo sa mga misa.

Ang homily o sermon ay ang oras sa misa para magbigay ng pagpapaliwanag ang pari ng reading mula sa bibliya.

Sinabi ni Pope Francis na iwasan ng mga pari ang mahabang homily dahil sa tagal ay hindi na naiintindihan ang kanilang sinasabi at nakakatulog ang mga nakikinig.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng katulad na payo ang pinuno ng simbahang katolika.

-- ADVERTISEMENT --

Noong 2023, inilarawan niya ang mahabang homilies na “disaster”.