Naihimlay na sa kaniyang huling hantungan ang lider ng Simbahang Katolika na si Santo Papa Francisco ngayong Sabado, Abril 26.

Pribado at simple ang isinagawang seremoniya sa paglilibing sa Santo Papa sa Saint Mary Major Basilica gaya ng kaniyang kahilingan.

Ang isang grupo ng mga marginalized people ay inanyayahan din na pumila sa mga hakbang ng kanyang huling hantungan sa Basilica di Santa Maria Maggiore, sa pagtatapos ng funeral procession.

Sa kaniyang final testament, hiniling ni Pope Francis na mailibing sa pagitan ng Chapel of the Salus Populi Romani at Sforza Chapel, na nakapaloob sa Basilica of Saint Mary Major sa Roma sa halip na sa Grotto sa St. Peter’s Basilica.

Si Pope Francis ang kauna-unahang Santo Papa na inilibing sa labas ng Vatican sa loob ng halos isang siglo.

-- ADVERTISEMENT --

Hiniling din ng Santo Papa na maging simple ang kaniyang puntod na walang partikular na ornamentation at tanging inscription lamang na “Franciscus”.

Ang St. Mary Major ay espesyal sa yumaong Santo Papa dahil sa kaniyang debosyon kay Mary na ina ng Diyos. Dito madalas nagdarasal si Pope Francis bago at pagkatapos ng kaniyang mga biyahe sa ibang bansa.

Samantala, nauna nang inanunsiyo ng Vatican na maaaring bisitahin ng publiko ang puntod ni Pope Francis mula umaga ng Linggo, Abril 27.