Nananatiling nasa kritikal na kondisyon si Pope Francis mahigit isang linggo na nito sa pagamutan.
Ayon sa Vatican na sa pinakahuling blood test nito ay mayroong senyales ng kidney failure na ito ay kontrolado naman.
Wala na silang nakitang problema sa kaniyang respiratory system mula pa noong nakaraang gabi.
Patuloy din ang Santo Papa na ipinapaalam sa kaniya ang mga resulta ng kaniyang mga test.
Hindi rin tumitigil ito sa pagtanggap ng oxygen kung saan nakibahagi pa ito sa isang misa sa 10th floor ng Gemelli Hospital.
Patuloy din ang pagdagsa ng mga mananampalataya na nagsagawa ng vigil sa labas ng pagamutan kung saan naka-confine ang Santo Papa.
Si Pope Francis, ang pinuno ng Simbahang Katolika mula pa noong 2013, ay unang dinala sa ospital sa Gemelli sa Roma noong Pebrero 14 dahil sa bronchitis, ngunit naging doble ang pneumonia niya.
Kinumpirma ng mga doktor noong Biyernes na hindi pa rin siya ligtas, ngunit bahagya siyang bumuti, na nagbigay pag-asa para sa kanyang paggaling, subalit mabilis itong napawi.
Idinagdag nito na ang Santo Papa ay gising pa rin at “nagpalipas ng araw sa isang silya kahit na siya ay mas nahirapan kaysa noong nakaraang araw.”
Inilahad din na noong Sabado ng umaga, nakaranas siya ng isang “matagal na asthmatic respiratory crisis na nagdulot ng pangangailangan para sa mataas na daloy ng oxygen.”
Ayon pa sa Vatican, ang mga pagsusuri ng dugo ay nagpakita ng thrombocytopenia, na kaugnay ng anemia, kaya’t kinailangan niyang tumanggap ng mga blood transfusions.
Ang thrombocytopenia ay isang kondisyon kung saan mababa ang bilang ng platelets sa dugo ng isang tao, na maaaring magdulot ng hirap sa pagdurugo at maaring magbanta sa buhay.
Ang mga blood o platelet transfusion ay ibinibigay sa mga taong malubha ang pagdurugo o nasa mataas na panganib ng pagdurugo, ayon sa US National Institutes of Health (NIH).
Kinumpirma na rin ng Vatican na hindi magdaraos ng lingguhang Angelus prayer si Pope Francis noong Linggo, at ipapaskil na lamang ang teksto, tulad ng ginawa noong nakaraang linggo.
Ang Santo Papa ay nagsasagawa ng Angelus mula sa balkonahe ng Gemelli, kung saan siya nakatigil sa isang espesyal na papal suite sa ika-10 palapag.
Inatasan din ang isang mataas na prelate na palitan si Francis sa pagdiriwang ng Misa tuwing Linggo ng umaga para sa Jubilee 2025, isang espesyal na taon ng mga pagdiriwang ng Katoliko.