Inanunsyo ng Vatican na nanatiling nasa kritikal ang kondisyon ni Pope Francis matapos itong nakaranas ng severe asthmatic respiratory crisis.
Bukod dito, ibinahagi rin ng Vatican na kinailangan din ng Santo Papa ng blood transfusion dahil sa mababang bilang ng kanyang platelets.
Kung matatandaan, na-admit sa Gemelli Hospital sa Rome si Pope Francis noong ika-14 ng Pebrero dahil sa sakit na bronchitis subalit ilang linggo lang ay muling napabalita na mayroon itong pneumonia sa kanyang magkabilang baga.
Dahil dito, hindi nakadalo si Pope Francis ngayong Linggo upang pangunahan ang Angelus Prayer sa St. Peter Square.
Samantala, bilang pagpapakita ng pag-aalala sa kasalukuyang kalagayan ng Santo Papa, ilang mga indibidwal sa Vatican ang nag-iiwan ng kandila, bulaklak at sulat sa labas ng hospital.
Patuloy pa rin ang paghingi ng Vatican ng dasal para sa paggaling ng Santo Papa.