Itinalaga ni Pope Leo si Bishop Crispin Barrete Varquez, isang tubong Bohol, bilang bagong obispo ng Diocese of Tagbilaran.

Si Varquez ay kasalukuyang obispo ng Diocese of Borongan at isinilang sa bayan ng Sevilla, Bohol.

Taong 1989 nang maordinahan siyang pari para sa Diocese of Tagbilaran.

Dito rin niya ginugol ang malaking bahagi ng kanyang ministeryo, kabilang ang pagiging parish priest sa Panglao at sa ilang parokya sa Tagbilaran.

Noong 2007, itinalaga siya bilang obispo ng Borongan at tumanggap ng episcopal consecration noong Nobyembre ng parehong taon.

-- ADVERTISEMENT --

Papalitan ni Varquez si Archbishop Alberto “Abet” Uy, na itinalaga naman bilang arsobispo ng Archdiocese of Cebu.

Si Varquez ang magiging ikawalong obispo ng Diocese of Tagbilaran.