
Nagpahayag ng pakikidalamhati si Pope Leo XIV para sa mga biktima ng giyera sa Middle East.
Ayon kay Vatican spokesman Matteo Bruni, maraming mga inosenteng tao ang nasawi dahil sa gulo, kabilang na ang isang Lebanese priest.
Namatay ang pari matapos magtamo ng sugat dahil sa tumamang tank fire ng Israel sa isang bahay.
Kasunod nito, humihiling ang Santo Papa ng panalangin upang maresolba ang tensyon.
Noong weekend, nanalangin din ito para sa tigil-putukan, isang linggo matapos manawagan na tuldukan na ang “spiral of violence” sa rehiyon.
-- ADVERTISEMENT --










