
Inaasahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lolobo sa 123.96 milyon ang populasyon ng Pilipinas pagsapit ng 2035.
Ayon sa PSA, tinatayang 0.85 percent kada taon ang magiging average na paglago ng populasyon ng bansa.
Sa pinakahuling census ng pamahalaan noong Hulyo 2024, nasa 112.7 milyon na ang populasyon ng mga Pilipino.
Inaasahan naman na mananatiling pinakamataong rehiyon ang CALABARZON, kung saan tinatayang lolobo sa mahigit 19 na milyon ang bilang ng populasyon sa 2035.
Susundan ito ng National Capital Region at Central Luzon.
Sa pagtataya ng PSA, aabot sa siyam hanggang labindalawalang rehiyon ang magkakaroon ng populasyon na lampas limang milyon pagsapit ng 2035, kabilang ang Eastern Visayas, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.










