Inaasahang bababa pa ang growth rate ng populasyon ng Pilipinas ngayong taon ayon sa pagtaya ng Commission on Population and Development (POPCOM).

Ayon kay Herita Macarubbo, director ng POPCOM Region II na ang tinatayang populasyon sa buong bansa ngayong Hulyo ay inaasahang 108.7 milyon na maituturing na mas mababa kumpara sa 109.9 milyon na projection.

Ito ay matapos maitala ang 1.52% na pagbaba sa bilang ng mga Pilipino mula 2015 hanggang 2019.

Sinabi ni Macarubbo na maikokonsiderang tagumpay ang patuloy na information drive ng ahensiya kaugnay sa mga programa ng ahensya sa family planning tulad ng contraceptive.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa komisyon sa pagbaba ng population growth ay inaasahang mababawasan ang kahirapan sa bansa lalo na sa sektor ng mahihirap na may maraming anak.