Posibleng hindi makakalaro si Kristaps Porzingis sa Game 3 ng NBA Finals para sa Boston Celtics.

ito ay dahil may hindi pangkaraniwan na tendon injury sa kanyang kaliwang pa si Porzingis na kanyang nakuha sa third quarter ng 105-98 na panalo ng Boston.

Sinabi ni Porzingis na gagawin niya lahat upang makalaro sa Game 3.

Ayon kay Porzingis na hindi niya alam kung ano ang specifics ng kanyang injury at nasa desisyon na umano ng medical staff kung siya ay maglalaro o hindi.

Iginiit niya na walang makakapigil sa kanya sa paglalaro, maliban lamang kung hindi siya papayagan.

-- ADVERTISEMENT --

Ang 7-foot-2 Latvian center ay may punit sa tissue na nagdidikit sa tendons.

Ayon sa Celtics, wala itong kaugnayan sa right calf strain na una niyang injury kara hindi siya nakapaglaro ng 10 magkakasunod na playoff games.