May nakitang 37 na lugar ang Department of the Interior and Local Government na posibleng hot spots para sa 2020 elections.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, sa nasabing bilang, 28 ang nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, mayroon sa 3rd at 4th District ng Leyte, at Central Luzon.
Sinabi ni Remulla na hindi naman nila inaasahan na magkakaroon ng magulo halalan sa susunod na taon.
Noong buwan ng Setyembre, inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Marbil ang mga commanders na simulan ang pagtukoy sa mga posibleng “election areas of concern” para sa halalan sa 2025.
Bago pa man ang halalan, may mga naiulat nang karahasan laban sa elected at mga kandidato na local officials sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Isa sa pinakahuling insidente ay naitala sa Tantangan, South Cotabato kung saan isang dating barangay chairman na naghain ng kandidatura para vice mayor ay binaril-patay noong November 18.