TUGUEGARAO CITY-Handang-handa na umano ang Public Order and Safety Unit(POSU) sa pag-implementa ng “no helmet no travel” policy sa lungsod sa darataing na unang araw ng Hulyo.

Ayon ka Vincent Blancad, head ng POSU-Tuguegarao,kanya na umanong pinulong ang Traffic Management Group (TMG) na siyang katuwang ng kapulisan sa pag-implementa sa naturang batas.

Siniguro ni Blancad na maipapatupad ito ng maayos lalo na at may kautusan si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano.

Nagsagawa narin umano si Blancad ng inspeksyon sa mga miembro ng TMG lalo na ang mga mayroong motorsiklo na kailangan ay may helmet.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, muling nagbigay ng paalala si Blancad sa lahat ng mga sumasakay at nagmamaneho ng motorsiklo na kailangan ay may suot na helmet para hindi mahuli at hindi mapatawan ng multa.