Tuguegarao City- Muling nagbabala ang Public Order and Safety Unit (POSU) Tuguegarao sa lahat ng motorista kaugnay sa pagsunod sa mga batas trapiko upang makaiwas sa anumang parusa.
Sa panayam kay Vince Blancad, POSU Head, lalong hinigpitan ng kanilang tanggapan ang kanilang monitoring kasabay ng pagdami ng sasakyan sa lungsod.
Aniya, kabilang sa top 3 na naitalang paglabag noong ECQ hanggang ngayong umiiral ang GCQ ay ang ignoring traffic signs na may 224 violators, wrong parking na may 191 violators at ending scheme na may 25 violators.
Sa ngayon ay mayroon aniya silang na impound na mga tricycle sa lungsod at matutubos lamang ang mga ito kung makakapaglagak ng kaukulang multa.
Muli ay umapela naman si Blancad sa mga tsuper at manlalakbay na sumunod sa mga alituntuning may kaugnayan sa batas trapiko upang makaiwas sa mga multa at iba pang parusa.