TUGUEGARAO CITY-Gumanda ang poverty data ng rehiyon mula nitong nakalipas na taon hanggang sa kasalukuyang taon.

Ayon kay Engr. Ferdinand Tumaliuan, Asst. Director ng NEDA Region 2, sa buong bansa ay umaabot sa anim na milyong Filipino ang nakaahon sa kahirapan sa nakalipas na taon.

Aniya, maganda ang epekto sa labor course sa rehiyon sa pagbaba ng bilang ng mga mahihirap sa bansa.

Sa pamamagitan nito ay nakakatiyak na naibibigay ng ilang pamilya ang pangangailangan sa loob ng kanilang tahanan lalo na sa nutrisyon at edukasyon ng anak.

Paliwanag ni Tumaliuan, kung natutugunan ang pangangailangan ng mga anak ay malaki ang tyansa na makapagtapos ng pag-aaral ang mga bata kung saan maganda ang epekto nito sa labor course.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Tumaliuan na ilan sa mga nakikitang dahilan ng pagbaba ay ang magandang pamamalakad ng mga Provincial Government , LGUs at sa tulong ng 4Ps program ng Department of Social Welfare and Development na sumesentro sa pagbibigay ng nutrisyon at edukasyon sa mga bata.

Bukod dito, sinabi ni Tumaliuan na gumanda rin ang industrial services sa rehion dahil sa build build build ng pamahalaan kung saan madami ang nabaibigyan ng trabaho dahil sa mga ipinapatayong gusali.

Kaugnay nito, inaasahan ni Tumaliuan na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng poverty incident sa buong bansa.