Nasa 161 sa bawat 1000 Pilipino sa Cagayan Valley ang maituturing na mahirap, batay sa sa inilabas na official poverty statistics ng Philippine Statistics Authority (PSA) Region II.

Ayon kay Marilyn Estrada, director ng PSA RO2 na bumaba ng 16.1% ang poverty incidence sa rehiyon noong 2018, kumpara sa 17.6% o 176 sa bawat 1000 Pilipino na naitala noong 2015.

Lumitaw sa pag-aaral ng PSA noong 2018 na ang pamilyang may limang miyembro ay nangangailangan ng P7,280 kada buwan para sa pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain.

Tumaas ito 11.9% mula sa P6,508 na pangangailangan ng pamilyang may limang miyembro ng pamilya noong 2015.