Isang power bank na naka-charge ang sumabog sa loob ng gusali ng Senado sa Pasay City nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa opisina ng Bills and Index Bureau sa ikalawang palapag ng gusali. Batay sa paunang impormasyon mula sa electrical department ng Senado, posibleng nag-overheat ang power bank na nakasaksak umano sa isang extension cord.

Agad namang gumamit ng fire extinguisher upang maiwasan ang pagkalat ng apoy at wala namang naiulat na nasaktan.

Matatandaang noong Nobyembre 30, 2025, nagkaroon din ng sunog sa ikatlong palapag ng gusali ng Senado na nagdulot ng pagtagas ng tubig sa session hall.