Base po sa mga isinumiteng reports ng ating mga line crew sa kanilang mga Area Engineers kagabi at ngayong umaga habang pinapatrolya nila ang linya, narito po ang nakalap nilang mga datos (paki tingnan ang larawan sa ibaba) tungkol sa aktuwal na lagay ng ating power supply sa Area Coverage ng CAGELCO 1.

Kagabi po hanggang ngayong umaga ay nakaatas pa rin pong magsagawa ng inspection at restoration activities ang ating mga crew sa bawat area. Patuloy po silang nagkukumpuni at nagtatanggal ng mga naging sagabal sa linya nung kasagsagan ng malakas na hangin at ulan.

Sinisikap po nating agad maisaayos at maibalik ang supply ng kuryente ngayong araw. Ngunit sa mga lugar na nabaha, minabuti po muna naming patayin ang supply ng kuryente upang maiwasan ang anumang disgrasya na maaring idulot ng pagkakakuryente.

Sana po ay mabigyan niyo po kami ng sapat na oras sa aming gingawang restorasyon. Mangyari lamang po na may mga nasirang kasangkapan o straktura ng CAGELCO 1 sa inyong lugar, agad po itong ipag bigay alam sa amin upang agaran po namin itong mapuntahan at maisaayos.

Maraming salamat po at mag-iingat po tayong lahat.

-- ADVERTISEMENT --