Umapela ang Philippine Red Cross (PRC)-Kalinga ng maraming donors dahil sa mataas na bilang ng mga nangangailangan ng dugo kasabay ng banta ng coronavirus (COVid-19).
Ayon kay Raymund Mario Chan, head ng PRC-Kalinga chapter, nakatutok ang kanilang hanay sa mga blood donation activities habang nakatutok naman ang city health office ng Tabuk at kalinga Provincial hospital sa pagtugon sa krisis na dulot ng covid-19.
Aniya, nagkakaubusan na ang supply ng dugo sa kanilang mga blood bank at limitado rin ang kanilang galaw sa pagsagawa ng blood donation activity.
Sinabi ni Chan na nagbibigay ng certification ang red cross sa mga nagnanais na magdonate ng dugo na hindi makabyahe dahil walang quarantine pass.
Kasabay nito ay nakikipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa mga barangay officials na bigyan ng special pass ang mga residente na nagnanais magdonate ng dugo.