Inumpisahan na ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Tuguegarao ang pre-emptive evacuation dahil sa pagbaha na dulot ng ulang dala ng shearline sa Northern Luzon.

Ayon kay CDRRMO Head Dr Roderick Ramirez, kagabi ay nasa 111 indibidwal ang inilikas mula sa Annafunan east dahil sa pagtaas muli ng tubig sa paligid ng core shelter habang may iloang indibidwal rin ang inilikas mula sa Perpetual Village.

Nananatili namang impassable ang Capatan Overflow Bridge at mga lansangan sa Pinacanauan Avenue at sa bahagi ng Centri 10, 11, at 4 dahil sa pag-apaw ng tubig sa Cagayan river na sa kasalukuyan ay lagpas na sa warning level na nasa 9.2 meters.

Dahil sa mga pagbaha ay suspendido ang pasok ngayong araw sa kindergarten hanggang sa tertiary level kabilang na ang graduate schools sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod.

Samantala, sinabi naman ni Arnold Azucena, head ng Task Force Lingkod Cagayan, naka-preposition na ang kanilang mga tauhan at nakatalaga sa iba’t ibang bayan para magsagawa ng monitoring bunsod ng pagtaas ng tubig sa ilog Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, inalerto na rin ang mga residente na nasa mabababang lugar na maging alerto at agad na lumikas kung kinakailangan upang hindi sila maabutan ng pagbaha.

Sinabi niya na binabantayan din nila ang mga lugar na prone sa landslides.