Nagsagawa ng pre-emptive harvest ang nasa 100 fish cage operators sa kanilang mga alagang isda tulad ng ‘malaga’ dahil sa epekto ng bagyong Ramon sa Buguey, Cagayan.
Ayon kay Mayor Lloyd Antiporda, nagsilutangan ang mga isda matapos nahaluan ng maruming tubig mula sa mga kabundukan ang mga fish cages sa Barangay Minanga.
Dahil dito, napilitang anihin ng mga fish cage owner kahit maliliit pa ang mga isdang ‘malaga’ upang kahit papaano ay may kikitain ang mga ito.
Ayon sa alkalde, tinatayang nasa P2 milyon ang lugi ng mga ito sa mga isda sa pananalasa ng bagyong Ramon, maliban pa sa pinsalang idinulot ng naranasang bagyong Quiel.