
Maglalabas ng precinct finder ang Commission on Elections dalawang linggo bago ang election sa May 11.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, i-type lamang ang pangalan sa precinct finder upang malaman kung saan presinto maaring bumoto ang isang registered voter.
Nangangahulugan din ayon kay Garcia na ang botante na boboto sa 42 na mall ay makakatanggap din ng notice kung saan sila maaaring makaboto.
Ang precinct finder ay maaaring ma-access basta’t may internet.
Ang national at local elections sa bansa ay idadaos sa May 12, 2025.
-- ADVERTISEMENT --