Uumpisahan na ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation para sa mga plunder cases na inihain laban kina Senador Jinggoy Estrada at dating senador Bong Revilla.

Ito ay may kinalaman sa ‘di umano’y koneksyon nila sa flood control scandal.

Sinabi ni Prosecutor General Richard Fadullon na magi-issue na sila ng subpoena laban kina Jinggoy at Revilla sa susunod na linggo.

Sa kanilang pagharap ay malalaman kung ano ang magiging susunod na hakbang ng prosekyusyon.

Kabilang na rito ang posibleng referral, ‘o recommendation sa Office of the Ombudsman.

-- ADVERTISEMENT --