Tuguegarao City- Nanawagan ang grupo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pamahalaan na tugunan muna ang preparasyon sa nakatakdang pagbubukas ng pasukan ngayong Agosto bago ito payagang magsimula.

Ito ay kasabay ng mga nakitang kakulangan sa pag-hahanda matapos umano ang isinagawang national dryrun ng Kagawaran ng Edukasyon.

Sa panayam kay Raymund Basillo, Secretary General ng ACT, hanggang ngayon ay wala pa aniyang hawak na mga modules ang mga guro na magiging batayan para sa lesson plans at aktibidad na ituturo sa mga mag-aarala.

Bahagi ng new normal na paraan ng pagtuturo ay dapat aniyang mapaghandaan ng mga guro para sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon.

Paliwanag ni Basillo, malaking bahagi na mapag-aralan din ng mga guro ang mga modules na magiging basehan upang makagawa ng magandang istratehiya para sa mga class activities ng mga mag-aaral.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa nito ang pangangailangan ng health screening/ mass testing para sa pagtukoy sa kondisyon ng mga guro at kawalan ng mga hand washing facilities ng maraming paaralan.

Iminungkahi pa ni Basillo na dapat ding tutukan ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga school clinic ay paglalagay ng mga health workers na makatutulong sa pagbabantay sa kondisyon ng mga mag-aaral.

Sa kabila nito ay umapela ang nasabing grupo na iurong ang pagbubukas ng klase at maghanda muna para hindi makompromiso ang kalidad ng edukasyon at kaligtasan ng guro at mag-aaral laban sa COVID-19.