Inihayag ng Department of Justice na bibigyan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng panahon para magdesisyon kung pagkakalooban o hindi ng executive clemency si May Jane Veloso kasunod ng kanyang pagbabalik sa bansa mula sa Indonesia.
Sinabi ni DOJ Undersecretary Jesse Andres na habang nakabinbin pa ang desisyon ng Pangulo, makukulong muna si Correctional Institution For Women (CIW) sa Mandaluyong City para tapusin ang kanyang sentensiya.
Ayon kay Andres, matagal ang hatol kay Veloso dahil ito ay life sentence o habang-buhay at noong 2010 pa lang siya nahatulan ng kamatayan sa Indonesia.
Gayonman, sinabi ni Andres na hindi na siya nagbibilang ng taon dahil naniniwala siya pagkakalooban ng clemency si Veloso.
Sinabi ni Andres na bigyan ito ng tamang panahon at igalaqng ang bansang Indonesia dahil ang gusto umano nila ay pagsilbihan ni Veloso ang life imprisonment.
Pero, sinabi din niya na nakapaloob din sa kasunduan na may karapatan ang Pilipinas na ipatupad ang mga alintutunin sa executive clemency.