Dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa libing ni Pope Francis sa Vatican City.

Isiniwalat ito ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro.

Kasama ni Marcos si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos.

Una rito, nagpahayag ng matinding kalungkutan si Marcos sa pagkamatay ni Pope Francis na itinuturing niya na “best Pope” sa kanyang buhay.

Sinabi niya na pinamunuan niya ang Catholic Church ng may karunungan at bukas sa lahat, lalo na sa mga mahihirap.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa niya na itinuro sa atin ng Santo Papa na maging isang mabuting Kristiyano at magpakita ng kabutihan at magmalasakit sa ating mga kapwa.

Samantala, bukod kay Marcos, inaasahan din na dadalo sa libing ang iba pang world leaders at royalty.