Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DepEd) na pag-usapan ang tungkol sa plano na pagbibigay ng mas mataas na Service Recognition Incentive (SRI) para sa public school teachers.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), layunin ng pamahalaan na itaas ang SRI ng mahigit isang milyon na DepEd personnel mula sa P18,000 sa P20,000.

Batay sa utos ni Marcos sa dalawang ahensiya, talakayin ang budgetary measures para matiyak na ang SRI increase para sa DepEd personnel ay maipatupad.

Nagpasalamat naman si Education Secretary Sonny Angara sa direktiba ni Marcos na inilarawan niya na “moral booster” sa mga educators.