Ipinag-utos ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board na magsagawa ng pagsusuri sa kasalukuyang sahod ng mga manggagawa.

Ito ay kasunod ng hiling ng Trade Union Congress of the Philippines na i-certify as urgent ang panukalang ₱200 na dagdag-sahod.

Inihayag ni Palace Press Officer Claire Castro na ongoing ang review ang mga wage increase sa 16 na rehiyon, at ilang rehiyon na ang nagpatupad ng mga pagtaas sa sweldo.

Binigyang-diin ni Castro na mahalagang mapakinggan ang panig ng parehong mga employer at mga manggagawa upang makapagbigay ng makatarungan sahod.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Castro ang tungkol sa pagiging urgent ng ₱200 na wage hike, na wala pang pinal na desisyon ang Presidente hinggil dito.

-- ADVERTISEMENT --

Tulad ng nangyari noong Enero, hati pa ang pananaw ng Presidente tungkol sa isyung ito, dahil marami pang mga salik ang kailangang isaalang-alang, kabilang na ang mga legal at ekonomikong aspeto ng panukalang dagdag-sahod.